PANIMULA
Nitong dumaan na mga
taon, kapansin-pansin na tila ba’y araw araw at tuloy tuloy na
ang pag-ulad ng teknolohiya sa buong mundo. Bilang bahagi ng lumalago
at lumalawak na InformationTechnology, kaliwa't kanan ang paglabas ng mga
produkto tulad ng Samsung Galaxy Tablet at iPod ng Apple.
Sa kabila ng lahat ng pagbabagong ito, hindi pa rin nito tuluyang mapapalitan ang telebisyon bilang isang pangunahing paraan ng telekominikasyon. Sa halip ay patuloy pa ring tinatangkilik ng mga tao ang telebisyon.
Ang paglawak ng tema ng mga palabas sa telebisyon ay iniaayon ng mga kumpanya (ABS-CBN, GMA, at TV5) batay sa ninanais at tingin nila ay kailangan ng mga manunuod. Ilan dito ay News and Public Affairs, Sitcom, Reality, Drama Series, Foreign, Talk at Variety Shows. Dahil ang mga ito ay pawang tugon ng mga istasyon sa hiling ng kanilang mga viewers, ang pagiging malapit nito sa madla ay tila ba isang epekto nito. Hindi kataka-takang nagawa nitong maipluwensiyahan ang paraan ng pamumuhay ng masa, lalo na ang wika. Mababakas ito sa pang-araw-araw nating pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. May mga salita, parirala o kataga na pinasikat ng mga personalidad sa telebisyon na naging bahagi na ng ating verbal na komunikasyon sa kabila ng kakulangan natin ng kaalaman hinggil sa etimolohiya ng mga ito.