RASYUNAL
![Picture](/uploads/5/9/5/4/59544201/6235127.jpg?340)
Napili ng mga proponent ang adbokasiya patungkol sa kontribusyon ng Telebisyon (sa pamamagitan ng wika nito) ay dahil sa kapansin-pansing paglago ng bokubularyong Filipino na nagmumula sa mga iba’t-ibang programa nito. Hindi talaga maipagkakaila ang pagiging malapit sa madla ng ating telebisyon. Mahalagang maipaintindi sa audience nito ang nagiging epekto ng wika sa telebisyon sa ating araw araw na pamumuhay. Hindi ba’t ang mga salitang ansaveh, bokya, party party, ay parte na ng bokubularyo nating mga Pilipino? Ngunit ano nga ba ang maidudulot nito, masama o mabuti?