LAYUNIN
Nangunguna sa mga layunin ng mga proponent ay ang mabigyang linaw ang mga kontribusyon ng Wika sa Telebisyon. Ang mabilis na paglago ng bokubolaryong Filipino na nagmula sa telebisyon ay bunga na rin ng masusing pag-aaral ng mga istasyon hinggil sa mga pang-araw-araw na gawain ng mga Pilipino. Halimbawa na lamang nito ay ang sunud-sunod na mga balita tungkol sa bigat ng trapiko, kaya'yulat panahon, presyo ng mga bilihin at ilan pang mga programa na tila ba nakasentro sa mga nanay at mga kasambahay na abalang-abalang naghahanda para sa bagong araw sa mga oras na ito tuwing umaga. Sa tanghali naman, isinasabay sa pagkain ng tanghalian ang mga palabas na may temang variety at talent tulad ng Eat Bulaga, Party Pilipinas, Showtime at ASAP. Kung gabi, na tinatawag ring primetime, ang mga tao ay nakauwi na sa kani-kanilang tahanan, pinapalabas yaong mga patok sa masa tulad ng mga balita at sunud-sunod na drama serye na tinatawag sa Pilipinas na teleserye o teledrama. Isa pang layunin ng proponent ay ang kadahilanang sa napakalaking impluwensiya ng media sa pang-araw araw nating pamumuhay, maituturing ito na isang malaking bahagi na nagbibigay kontribusyon sa paglilinang sa ating pang –araw araw na wika (Halimbawa: paghahalo ng salitang ingles at Filipino upang makabuo ng bagong salita). Pangatlo sa layunin ng proponent ay ang pagpapaintindi kung bakit marami sa atin ang magkakaroon ng feeling of emptiness kung tatanggalin ang telebisyon sa buhay nila.